Street Journal Multimedia Services

Diving activities ipinagbawal sa Quezon

Mahigpit na ipinagbabawal ngayon ang pagsasagawa ng Diving Activities sa buong lalawigan ng Quezon hanggang sa magkaroon ng impormasyon na ligtas na muli ang pagsasagawa nito.

Ipinararating sa publiko lalo na sa mga nagmamay-ari ng beach resorts na may mga diving activities na pansamantalang ipinagbabawal muna ang pagsasagawa ng diving activities at mga kaignay nito.

Sa kadahilanang sa hindi ligtas sa ganitong gawain ang lagay ng karagatan sa ngayon at may ilang kumpirmadong ulat ng din ng “Shark Attacks”.

Ito ay batay na rin sa liham na natanggap ng Quezon Provincial Tourism Office mula sa Coast Guard Station Southern Luzon.

Matatanaan na dalawang Russian diver ang nalunod habang nag-scuba diving sa dagat na puno ng pating ng Sitio Pulong Bato, Barangay San Agapito, Isla Verde, Batangas City, noong Pebrero 27.

 

Scroll to Top