Inilunsad na ang “Paleng-QR PH Plus at PalengQue Digitalization Program”, isang paraan ng cashless and online payment, na isinusulong ngayon sa lalawiigan ng Quezon sa pakikipagbalikatan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Bangko Sentral ng Pilpinas, at Department of Information and Communications Technology (DICT), na ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City, noong Setyembre 20.
Ang Paleng-QR PH Plus ay isang paraan ng cashless and online payment na magagamit ng mga konsyumer sa pamamagitan at pakikipagbalikatan ng iba’t-ibang Telecommunications and Financial Service Providers gaya ng Maya Philippines, SMART, TNT, PLDT, GCash, Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), Quezon Capital Rural Bank (QCRB), at Cooperative Bank of Quezon Province (CBQP).
Samantala, sa tulong ng DICT, ang PalengQue Digitalization Program ang magsisilbing daan upang maging posible ang Paleng-QR PH Plus para sa libreng internet wifi access sa publiko.
Layon ng proyektong ito na mas mapabilis, at mapadali ang pagbabayad ng mga konsyumer sa mga public markets, community shops, at local transportation gaya ng jeepneys at tricycles na isasakatuparan muna sa sampung bayan sa lalawigan at kalaunan ay sa buong Quezon.
Malugod namang inihayag ni Governor Doktora Helen Tan na isang milestone ang paglulunsad ng nasabing proyekto, sapagkat ang lalawigan ng Quezon ang pinakaunang implementer nito sa Southern Luzon.
Nakasama sa ginanap na paglulunsad sina DILG Provincial Director Abigail Andres, OIC-Provincial Officer of DICT Quezon Edd Fernan Gozales, South Luzon Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Regional Director Atty. Tomas J. Cariño Jr., BSP Lucena Branch Area Director Atty. Dennis A. Gamaya, at PLGU Quezon Provincial Development Officer III Lawrence Joseph Velasco. Nagpaabot din ng Video Message bilang suporta si BSP Chairman, Monetary Board, and Governor Dr. Eli M. Remolona Jr.