Street Journal Multimedia Services

Coastal clean-up drive isinagawa sa Oriental Mindoro

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Environment Day ngayong taon na may temang “Ending Global Plastic Pollution,” pinangunahan ng PG-ENRO ng Oriental Mindoro ang isang Coastal Clean-up activity at Information Dissemination Campaign sa Barangay Lumangbayan, San Teodoro, Oriental Mindoro,noong Hunyo 5.

Naging katuwang sa naturang gawain ang MENRO at iba pang ahensya gaya ng BFP, PNP, BJMP, MAO, ORMECO, Linaw Kawayan, Ormin Power Corp., Sangguniang Barangay, mga mangingisda, at iba pang volunteers.

Layunin ng programa hindi lamang paglilinis ng kapaligiran kundi ang pagpapalalim ng kaalaman ng publiko sa epekto ng plastic pollution at ang kahalagahan ng kolektibong pagkilos para sa kalikasan.

Samantala, pinangunahan naman ng PDRRMO ang isang awareness campaign na “Balik-Kalikasan: A Local Action to #BeatPlasticPollution” na tumutok sa waste segregation at microplastic awareness.

Ang World Environment Day ay ginugunita tuwing Hunyo 5 bilang pangunahing kampanya ng United Nations para sa pandaigdigang kamalayan at aksyon ukol sa pangangalaga ng kapaligiran.

 

 

Scroll to Top