Street Journal Multimedia Services

Cayetano hinimok ang kabataang lider na magkaroon ng malinaw na ‘purpose’

ILOILO CITY — Hinimok ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga kabataang pinuno na magkaroon ng isang malinaw na layunin sa kanilang buhay lingkod-bayan para malabanan ang mga bagay na makakagulo sa kanilang serbisyo.

“I want to warn you na now na pumasok na kayo sa mundo ng pulitika, lahat ng temptations nandyan sa inyo. Let your purpose guide you,” mensahe ng senador sa daan-daang kabataang opisyal na dumalo sa Sangguniang Kabataan (SK) Iloilo Chapter Provincial Congress,noong Hulyo 8.  

Wika ni Cayetano, na nagsimula sa gobyerno bilang isang SK official, pangkaraniwang pagsubok sa isang youth leader ang maudyokan na magbisyo o bumarkada.

Aniya, maiiwasan ang mga it kung laging isasaisip ng isang tao ang “higher purpose.”

“‘Yun ang mahirap sa pulitika, kasi you need everyone,” aniya. “[Pero] kung y’ung leader mismo ay mawawalan ng purpose, sama-sama [kayong walang mararating] at barka-barkada nalang [ang mangyayari].”

Hinamon niya ang mga dumalong SK official na magkaroon ng iisang “vision” para sa kanilang probinsya.

“Twenty years from now, ano ang itsura ng Iloilo? Ano ang [magiging legacy] ng batch niyo?” ani Cayetano.

“The future of Iloilo is bright because ang SK na batch niyo has a good sense of purpose,” dagdag niya

Scroll to Top