Street Journal Multimedia Services

Bishop Cruz, pinasinayaan ang 44th murals sa Baguio

By Zaldy Comanda

BAGUIO CITY – Pinangunahan mismo ni His Excellency Bishop Rafael T. Cruz, ng Our Lady of Atonement (Baguio Cathedral) ang inagurasyonsa isang makasaysayang mural sa harapang- bakod mismo ng Bishop House, Barangay Kabayanihan, Baguio City, noong Enero 31.

Ang ika-44 mural project ng Sin-Agi Artists ay naglalarawan ng hindi bababa sa tatlong hanay ng mga pigura, na ang una ay ang Baguio Cathedral na may pari at malaking pulutong ng mga tao, isang grupo ng mga lalaki na may dalang bahay at mga kabataan na nagtuturo sa mga matatanda ng paggamit ng modernong mga gadget.

Ayon kay City Counselor Leandro Yangot, Jr., kabilang din sa Sin-Agi Artists at tinaguring “Mr.Murals”, na ang tatlong set ng mga imahe ay naglalarawan sa pagdating ng mga paring Katoliko mula sa Belgium na nag-ebanghelyo sa mga taga-Baguio at Cordillera noong unang bahagi ng 1900s.

Ang pangalawa aniya ay ang barangay na nakuha ang pangalan nito mula sa halaga ng Filipino ng bayanihan o ang pagkilos ng pagtulong sa kapwa.

Ang pangatlo ay ang papel ng mga kabataan ng nasabing barangay sa paglabas ng halos 30 metrong mural.

Ayon kay Yangot, nakita niya angmalaking pader sa harapan ng Bishop House na sakto para lagyan ng murals, kaya’t agad siyang nakipag-ugnayan sa Barangay Kabayanihan sa pamumuno ni Punong Baragay Eladio Ortenero at hinikayat ang mga kabataang artists para pintahan ito.

Ang Sin-Agi Artists ay itinatag ng Yangot noong Disyembre 2022 at noong Enero 2023 ay sinimulan ang proyektong mural ng Legarda Road sa harap ng Europa Condominiums at ang grupo ay nagtungo sa iba’t ibang barangay kung saan nagsimulang umangat ang mga mural upang gawing “tunay na malikhaing lungsod” ang Baguio.

“ Isa lang masasabi ko sa mural, “Excelllent”, dahil napakaganda at may kasayasayan ang murals na lumalarawan sa Kristyanismo. Nagpapasalamat sa ating mga talentadong kabataang arists at higit sa lahat sa mga barangay officials na nag-proyekto ng sidewalk canopy sa paligid ng compound, na malaking tulong sa tao na hindi mabasa sa panahon ng tag-ulan,” pahayag ni Bishop Cruz.

 

 

Scroll to Top