Street Journal Multimedia Services

Bahay,kotse wasak sa paggulong ng bato mula sa bundok 

BAGUIO CITY – Nawasak ang isang barong-barong na bahay at isang kotse matapos magulungan ng malaking bato na gumulong pababa mula sa bundok patungo sa kalsada habang kasagsagan ng malakas na ulan sa may Kennon Road, Camp 7, Baguio City, dakong ala 1:15 ng hapon ng Hulyo 19.

Ayon kay Charles Bryan Carame, officer in charge ng City Disaster Risk Reduction and Management Officer, walang naiulat na nasakta sa insidente, dahil walang tao young bahay, maging ang sasakyan nang gumulong ang malaking bato, maliban sa isang aso na exotic bully ang namatay sa insidente.

Kasalukuyan ay ginagawan ng paraan ng Baguio City District Engineering Office at mga barangay officials para maalis ang malaking baton a nakapatong sa nawasak na sasakyan.

Ang kaso ay isinangguni sa Office of the City Social Welfare and Development Office para sa tulong sa mga apektadong may-ari ng ari-arian.

Nanatiling sarado ang kahabaan ng Kennon Road, dahil sa “continuous rockfall sa may entrance ng rockshed.

Patuloy din ang ginagawang pang-monitos ng CDRRMC, sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong sa naiulat na insidente sa iba’t ibang lugar, gaya ng pagguho ng lupa sa barangay ng Purok 2 Poliwes, pagbabantay at paglilinis ng mga basura sa City Camp Lagoon, upang maiwasan itong bumaha at paglilinis sa mga punong natumba na nagdulot ng mga brown-out sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Zaldy Comanda

Scroll to Top