Buong pusong ipinagmamalaki ng Mayors for Good Governance (M4GG) ang kanilang convenor na si Mayor Benjie Magalong sa pagkakamit ng prestihiyosong Bloomberg Philanthropies Awards for Global Tobacco Control 2025 sa Dublin, Ireland.
Sa ilalim ng kanyang mahusay na pamumuno, kinilala ang Baguio LGU bilang isa sa anim na institusyon sa buong mundo na nagpamalas ng kahusayan sa tobacco control.
Ang parangal na ito ay pagkilala sa mahigpit na pagpapatupad ng smoke-free at vape-free policies ng lungsod, sa epektibong paggamit ng data mula sa Global Youth at Adult Tobacco Surveys, at sa mga hakbang na nakabatay sa WHO MPOWER strategy.
Pinatutunayan nito ang dedikasyon ni Mayor Magalong sa makabagong pamamahala, sa mga solusyong nakabatay sa ebidensya, at sa pangangalaga ng kalusugan ng mamamayan.
Ang M4GG ay nagagalak sa tagumpay na ito ng isang tunay na lingkod-bayan. Ang inyong tagumpay ay magsisilbing inspirasyon sa iba pang mga lingkod-bayan na tularan ang inyong mahusay na pamamalakad at malasakit sa kalusugan ng bawat mamamayan.

