Street Journal Multimedia Services

Atleta ng Pangasinan, inspirado sa suporta ni Gov. Guico

Malaking inspirasyon sa mga atleta ng Pangasinan ang suportang ipinamalas ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III, na sumabak sa 8th National Para Games 2024.

Mahigit tatlumpung Persons with Disabilities (PWD) ang ipinadala ng Pamahalaang Panlalawigan upang makilahok sa 8th National Para Games.

Patuloy sa pagpapakita ng galing ang mga atleta ng Pangasinan na sumasabak sa Philippine National Para Games 2024 sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PhilSports Arena sa Pasig.

Ito ang listahan ng mga nagwagi sa ibat-ibang sports ngayong araw:

Gold Medalists:

  1. Jefryl Carilla – Shot Put
  2. Jacquiline N. Castro – 100m Freestyle Swim
  3. Leizel Parizal – 100m Run
  4. Jefryl Carilla – Javelin
  5. Leo Macalanda – Table Tennis

Silver Medalists:

  1. Manolito Parica – Shot Put
  2. Geraldine De Vera – Shot Put
  3. Jolly Poquiz – 100m Run
  4. Rolly Regondola – Shot Put

Bronze Medalists:

  1. Manolito Parica – Javelin
  2. James Esguerra – 100m Run

Ayon kay Governor Ramon V. Guico III, ang paglahok sa ganitong kompetisyon ay isang pagkakataon upang ipakita ang galing at determinasyon ng mga lokal na atleta at magsilbing inspirasyon sa iba pang mga PWD na patuloy na magsikap at mangarap sa kabila ng mga hamon.

Kaya buo ang suporta ng administrasyong Guico sa mga atleta ng Pangasinan upang matulungan silang makamit ang tagumpay.

Hangad kasi ni Governor Guico na magbigay ng pantay-pantay na pagkakataon para sa lahat. (Rich Majin| PIMRO)

Scroll to Top