Street Journal Multimedia Services

Atimonan MPS nakiisa sa Community Clean-Up Drive

ATIMONAN, Quezon — Nakiisa ang Atimonan Municipal Police Station sa Quezon sa pangunguna Police Major Marnie Abellanida, chief of police, sa Community Clean-Up Drive na dinaluhan ng mga civil servants mula sa Local Government Unit ng Atimonan sa pamumuno ni Atty Elvis Uy.

Ang nasabing programa ay ginawa bilang bahagi ng ika-125 Philippine Civil Service Anniversary.

Kalahok rin ang mga barangay officials at mga residente ng Barangay  Zone 1, 2, 3, at 4.

Naging matagumpay naman ang nasabing aktibidad dahil bukod sa mga napulot na basura ay nagbigay din ito ng mensahe na dapat nating pangalagaan ang ating kapaligitan.

 

 

Scroll to Top