Street Journal Multimedia Services

Apat na atleta ng Isabela, wagi isa First La Aguila National Gymnastics Competition sa Davao City

Kilalanin ang apat na batang atleta mula sa Lalawigan ng Isabela, ang kanilang galing at husay sa larangan ng gymnastics matapos silang mag-uwi ng mga medalya sa first La Aguila National Gymnastics Competition na ginanap noong Hunyo 6-8, 2025 sa Davao City.

Si Manuel Joaquin R. Donaire ay nagningning sa Aero Gymnastics individual Men kung saan siya ay Pinarangal ng gintong medalya sa Developmental Kategory.

Samantala, si Sophia Quinn M. Pagaddu mula sa Rhythmic Gymnastics, matapos niyang masungkit ang Bronse na Medalya sa free hand, Pilak na Medalya sa ball, at Bronse na Medalya sa individual all around.

Nagpakitang-gilas rin si Cherriel Mae Y. Rasay mula rin sa Rhythmic Gymnastics Juniors kategory, kung saan siya ay nag-uwi ng apat na pilak na medalya mula sa individual all around, ball, clubs, hoop at Isang gintong na medalya sa Ribbon event.

Isa rin sa mga nagwagi ay si Chloe Madeleine C. Manalo na nasungkit ang gintong na medalya sa freehand event, sa ilalim ng developmental kategory ng Rhythmic Gymnastics.

Ang tagumpay ng apat na batang atleta gymnast na ito, ay hindi magiging posible kung wala ang gabay at dedikasyon ng kanilang coach na si Ma’am Sharlene Mae Rosete. (Region Cagayan Valley Nationwide)

 

 

 

 

Scroll to Top