Street Journal Multimedia Services

San Pablo CDRRMO,pinarangalan ng OCD CALABARZON

 

 

 

SAN PABLO CITY, Laguna, Philippines — Isang panibagong karangalan ang nakamit ng siyudad ng San Pablo, matapos makamit ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang parangal na iginawad ng Office of the Civil Defense-CALABARZON, sa ginanap na Thanksgiving and Recognition Ceremony, kamakailan.

Ang parangal na “Mahusay na Pamumuno” ay tinanggap ng CDRRMO sa ilalim ng liderato ni Chief Arvin P. Carandang.

Ang pagkilalang “Patunay ng Serbisyo “ ay simbolo ng kanilang walang pagod na paghahanda at mabilis na pagtugon sa mga sakuna upang matiyak ang kaligtasan ng bawat San Pableño.

Ang parangal na “Suporta ng Pamunuan” ay kumikilala sa walang-humpay na sumuporta sa mga programa ng CDRRMO mula sa ama ng siyudad na Mayor Najie Gapangada.

“Layunin” Ang tagumpay na ito ay naglalayong mas patatagin pa ang komunidad tungo sa pagiging mas handa at ligtas sa anumang hamon ng panahon.

Mabuhay ang ating mga bayani sa sakuna! Isang pagpupugay sa inyong katapatan sa serbisyo.

Source: SPCUpdates

Scroll to Top