Street Journal Multimedia Services

2 kawani ng DPWH natabunan sa landslides sa Cagayan

Sta Praxedes, Cagayan – Dalawang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 02 ang natabunan ng gumuhong lupa sa bahagi ng San Juan, Sta Praxedes, Cagayan ngayong umaga, Nobyembre 28, 2025.

Ayon kay Marlene Miralles ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Sta Praxedes, nasa maayos ng kalagayan ang isang natabunan habang ang isa ay nasa kritikal na kondisyon.

Aniya, nasa lugar ang dalawang hindi na pinalanganan, kasama ang isa pang kawani para magbantay sa trapiko at magmonitor sa lugar dahil sa nararanasang pag-uulan.

Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi napansin ng dalawa ang pagguho ng lupa sa kanilang kinaroroonan.

Agad namang tumawag ng rescuers ang isa nilang kasama na nirespondehan ng mga kawani ng MDRRMO Sta Praxedes.

Sa ngayon, nananatiling hindi madaanan ang naturang kalsada sa lahat ng uri ng sasakyan habang kasalukuyan na rin ang kanilang clearing operation. (Digna Bingayen)

 

 

 

Scroll to Top