Street Journal Multimedia Services

Rice Industrial Complex sa Cagayan

ALCALA, Cagayan — Binisita ni Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay ang lokasyon na posibleng pagtatayuan ng Rice Industrial Complex sa Bayan ng Alcala, Cagayan,noong Oktubre 20, 2025.

Nagsagawa ng site inspection si Aglipay kasama si Alcala Mayor Tin Antonio at sina One Cagayan Agriculture Cluster Head Perlita Mabassa at Board Member Atty. Romeo Garcia, maging ang iba pang Municipal Officials ng Alcala.

Matatandaan na isa ang bayan ng Alcala sa mga tinukoy ni Gob. Aglipay na patatayuan ng naturang pasilidad upang makaagapay sa pangangailangan ng mga Cagayanong magsasaka.

Muling iginiit ni Gob. Aglipay ang kanyang pagnanais na isulong ang mga programa at serbisyo para sa mga magsasaka at mangingisda kaya’t siniguro nito ang maigting na pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno upang mailapit ang pangangailangan ng probinsiya ng Cagayan.

 

 

 

Scroll to Top