
DAVAO DEL SUR — Sinorpresa ni Department of Education Secretary Sonny Angara ang mga Grade 8 teachers ng Davao del Sur na kasalukuyang nasa gitna ng kanilang training kamakailan.
“Talagang jam-packed ang dumalo sa training—kitang-kita ang dedikasyon nila sa pag-tataas ng antas ng edukasyon ng bansa,” pahayag ni Angara.
Aniya, “Ito pa ang nakakabilib — marami sa mga paaralan ng Davao del Sur ay high-performing at mataas ang scores sa mga assessments. Kaya naman, gusto nating matuto mula sa mga ginagawa nila sa kanilang paaralan. Ano nga ba ang kanilang mga best practices? Gusto nating ma-apply din ‘yan sa iba’t ibang lugar sa bansa.”
“Muli, maraming, maraming salamat sa lahat ng ating mga guro sa inyong patuloy na paglilingkod at pagmamahal sa propesyon. Kayo ay tunay na bayani! Keep up the amazing work!”


