Personal na inihatid ni Governor Ramon V Guico III ang tulong pinansiyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa higit tatlong daang tindera na nasunugan ng pwesto sa Pamilihang bayan ng Basista, Pangasinan.
Bawat tindera ay tumanggap ng tig limang libong piso (P5,000).
Lubos ang pasasalamat ng mga tindera sa gobernador.
Ikinatuwa rin nila at LGU Basista ang paniniyak ni Governor Guico na maglalaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng sampung milyong pisong pondo upang mapabilis ang muling pagpapatayo sa palengke.
Kasama ng gobernador sa kanyang pagbisita at paghatid ng tulong sina Board member Philip Theodore Cruz Board Member Atty. Haidee Pacheco, Provincial Administrator Melicio Patague II at PSWDO Head Annabel Roque.
Muling nagpasalamat naman sa gobernador si Basista Mayor Jolly Resuello kasama ang ilan pang LGU officials ( Terry Aquino, Gian Ventura PIMRO)


