Kasabay ng unang araw ng pasukan, namigay ng libreng school supplies ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa lahat ng mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ng Matnog, Casiguran, Barcelona, at Donsol bilang bahagi ng proyektong “Gamit mo, Sagot ko” sa ilalim ng 7K Kadunungan Program.
Ilan sa natanggap ng mga mag-aaral ay mga bagong uniporme, bag, notebook, payong at iba pa.
Kasabay rin nito ang pamamahagi ng libreng tinapay sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Pan sa Paaralan Program na naglalayong itaguyod ang edukasyon at kalusugan ng bawat mag-aaral sa lalawigan.



