Opisyal nang ipinahayag ng Provincial Board of Canvassers ang pagkapanalo ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III sa 2025 elections.
Ito na ang kanyang pangalawang termino.
Si Guico ay nakakuha ng botong 875,030, kumpara sa katunggali nito si Amado Espino III, na 778,477 votes.
Landslide victory naman ang tinamo ni Vice Governor Mark Lambino, na may botong 1,014,887, kumpara kay Noel Nacar sa botong 382,067.
“Ang aking muling pagkahalal ay dahil sa inyong tiwala at walang sawang suporta. Ipagpapatuloy natin ang ating mga proyekto para sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng ating lalawigan,” pahayag ni Governor Guico.