Street Journal Multimedia Services

Mabilis na responde ng pulis naiwasan ang gulo sa Mauban, Quezon

0Shares

By Danny Estacio

 

LUCENA CITY, Quezon — Pinupuri ni Police Colonel Romulo Albacea, Quezon police director ang mabilis, maagap, at propesyonal na pagtugon ng mga tauhan ng Mauban Municipal Police Station (MPS) sa isang insidenteng nagdulot ng pangamba sa mga residente ng Sitio Atrasan, Barangay Daungan, Mauban, Quezon, dakong alas-11:00 ng umaga noong Martes,Nob. 17.

Ayon kay Albacea agad na rumesponde ang mga operatiba ng Mauban PNP matapos makatanggap ng ulat hinggil sa isang lalaki na armado ng patalim at nagdudulot ng komosyon sa naturang lugar.

Sa halip na gumamit agad ng dahas, maingat na kinausap at pinakalma ng mga rumespondeng pulis ang nasabing lalaki upang maiwasan ang anumang sakuna at matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan sa paligid.

Sa kabila ng banta sa kanilang sariling kaligtasan, nanatiling kalmado at determinado ang mga alagad ng batas hanggang sa mapayapang makontrol ang sitwasyon nang walang nasaktan sa panig ng publiko o kapulisan.

Sinabe pa ni Albacea na ang ipinamalas na katapangan at dedikasyon ng Mauban PNP ay isang magandang halimbawa ng epektibo at makataong pagpapatupad ng batas. Kinikilala rin ng pamunuan ang mataas na antas ng propesyonalismo ng mga rumespondeng pulis sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Samantala, dahil sa nakitang posibleng kondisyong pangkalusugan o pangkaisipan ng nasabing nasabing lalaki nakatakda siyang i-turn over sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Mauban para sa kaukulang pagsusuri, tulong, at tamang disposisyon.

Isang pulis naman ang nasugatan sa pagresponde at pag-aresto sa nagwawalang lalaki

Ayon pa kay Albacea ang matagumpay na pagtugon na ito ay patunay ng patuloy at walang-kompromisong paninindigan ng Quezon PNP na pangalagaan ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat mamamayan sa lalawigan.

 

 

 

 

 

 

 

Scroll to Top