Street Journal Multimedia Services

Tree Planting para sa Inter-Barangay Basketball Tournament

ALAMINOS CITY, Pangasinan — Bilang bahagi ng opening program ng Inter-Barangay Basketball Tournament, nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Lokal na Pamahalaang Lungsod sa City Tree Park sa Barangay San Vicente sa pangunguna ng City Youth and Sports Development Office, katuwang ang Sangguniang Kabataan Federation.

Nakiisa sa pagtatanim ng mga narra seedlings at kawayan si City Mayor Arth Bryan C. Celeste, na kinatawan ni SK Federation President Loverly V. Bernabe-Paredes, kasama sina CGDH-1 Cloyd Peter P. Lalas, mga opisyal ng Sangguniang Kabataan at katipunan ng kabataan mula sa iba’t ibang barangay.

Ang kanilang pakikilahok ay sumisimbolo sa pagkakaisa sa pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng isang mas luntian at mas matatag na komunidad.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ang layunin nitong paunlarin hindi lamang ang larangan ng palakasan kundi maging ang pangangalaga sa kapaligiran bilang mahalagang pamana para sa susunod na henerasyon.

 

 

Scroll to Top