SAN FERNANDO CITY, La Union – Personal na tinanggap ng local officials at barangay councils ng bayan ng Agoo ang 49 bagong Multi-Purpose Vehicles (MPVs) mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng La Union bilang tugon sa pag-arangkada ng mabilis na serbisyong publiko;
Ang mga sasakyan ay pinondohan sa ilalim ng La Union Provincial Disaster Risk and Reduction Management Fund ng probinsya na makatutulong sa agarang pagresponde sa mga emergency at mga rescue operation tuwing kalamidad.
Ang pamamahagi ay isinagawa ni Gov. Mario Ortega, kasama si Vice-Governor Eric O. Sibuma at mga Board Member na ginanap Francisco I. Ortega Convention Center, City of San Fernando, La Union, noong Hunyo 30.
Ayon kay Ortega, ang pamamahagi ng brand-new MPVs sa lahat ng barangay sa Agoo, La Union ay layuning makapaghatid ng mas mabilis na serbisyo sa mga Elyucano at matugunan ang pangangailangan sa mga komunidad.
Kasabay ng turnover ang pag-anunsyo ni Gov. Mario na ang kasalukuyang P20,000 na naipapamahagi sa bawat barangay ay magkakaroon ng karagdagang P10,000 bilang suporta sa maintenance, gasolina, at iba pang gastusin ng sasakyan para masiguro na efficient ang services ng mga ito para sa bawat Elyucano.
Binigyang-diin din niya na hindi dito nagtatapos ang programa dahil layunin ng pamahalaan na mabigyan ng mga sasakyan ang lahat ng mga bayan sa La Union na kanilang magagamit sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Bukod dito, nakatanggap din ang Bureau of Jail Management and Penology La Union ng brand-new Toyota Innova para sa paghahatid ng mahusay na serbisyo at makatutulong sa pangkalahatang operasyon sa lalawigan


