Street Journal Multimedia Services

38 drug pusher arestado, P27.6M droga nakaumpiska

By Zaldy Comanda

 

CAMP DANGWA, Benguet – Tatlungput-walong drug personalities ang nalambat, samatalang mahigit sa P27 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa matagumpay na anti-illegal drug operations ng Police Regional Office Cordillera (PROC) sa loob ng buwan ng Agosto 2025.

Ayon sa ulat ng Regional Operations Division ng PRO CAR, may kabuuang 74 na anti-illegal drug operations ang inilunsad, na kinabibilangan ng 42 marijuana eradication operations, 19 ang buy-bust operations, anim ang pagpapatupad ng search warrants, limang services of warrants of arrest, at dalawa ang police response.

Ang mga pagsisikap na ito ay humantong sa pagkakaaresto sa 38 drug personalities, 22 sa kanila ay kinilala bilang High Value Individuals at 16 bilang Street Level Individuals.

Makabuuang 126.6 gramo ng shabu, 93,528 fully grown marijuana plants, 12,290 marijuana seedlings, 25,000 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska na may kabuuang Standard Drug Price na P27,643,288.84.

Ang pinakamahalagang operasyon ay isinagawa sa Kalinga, kung saan nakumpiska ng Kalinga PPO ang iligal na droga na nagkakahalaga ng P15,196,220.00, habang Benguet PPO nakakumpiska din ng iligal na droga na may SDP na P9,107,128,000.00.

Bukod dito, ang Baguio City Police Office ay nakasamsam din ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P3,047,600.00, habang ang Mountain Province PPO ay nakasamsam ng habu na may halagang P142,128.84.

Samantala, nakumpiska ng Abra PPO ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P132,940.00, at ang Ifugao PPO ay nakakumpiska ng shabu na nagkakahalaga ng P17,272.00.

Ang mga nagawang ito ay binibigyang-diin ang hindi natitinag na pangako ng PRO CAR na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga. Sa pamamagitan ng sustained at coordinated operations, muling pinagtitibay ng PRO CAR ang kanilang determinasyon na protektahan ang mga komunidad mula sa mga panganib ng ilegal na droga, itaguyod ang panuntunan ng batas, at tiyakin ang pangmatagalang kapayapaan at seguridad sa rehiyon ng Cordillera.

Scroll to Top