Street Journal Multimedia Services

2,000 benepisyaryo tumanggap ng medical,burial assistance sa Laguna’s 3rd district

LAGUNA, Philippines — Ibinahagi ni Board Member Angelica Jones Alarva ang matagumpay na Medical Assistance at Burial Assistance Pay Out para sa ikatlong distrito ng Laguna noong November 22, 2025.

Ayon kay Alarva, umabot sa 2,000 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng programang GOByernong may SOLusyon ni Gov. Sol Aragones.Ginanap ang payout sa Central School, San Pablo City, mula 8 AM hanggang 12 NN.

Katuwang dito si BM Angelica Jones Alarva bilang Vice Chairperson on Health, na patuloy na nagsusulong ng mas abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga pamilya.

Ayon kay BM Angelica, mahalaga ang bawat programang nagbibigay-lingap sa “Bawat Kalusugan ng Bawat Pamilya.” (Source: Angelica Jones Alarva)

 

 

Scroll to Top